PM photog umayuda sa 3 riders na nagkarambola sa C5

PM photog umayuda sa 3 riders na nagkarambola sa C5

Hindi nagdalawang isip ang isang photojournalist ng Pilipino Mirror upang umayuda o tumulong sa tatlong (3) riders nang makita niyang sumemplang at nagkarambola ang mga ito sa kahabaan ng C5 Road, Taguig City kaninang umaga (July 12, 2022).

Ayon sa isa sa tatlong riders na sumemplang, bigla na lamang daw nawalan s’ya ng kontrol sa kanyang motorsiklo kaya’t sya ay sumemplang at nadamay ang nakabuntot na kapwa n’ya rider.

Hindi rin naman nagtagal at may dumating na nescue at nabigyan kaagad sila ng paunang lunas. Ayaw naman magbigay ng kanyang pangalan ang naturang Good Samaritan na photog.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply