Mamang tulog sa center island ng kalye nadale ng trak; patay

Mamang tulog sa center island ng kalye nadale ng trak; patay

Hindi na inabutan pa ng liwanag ng umaga ang hindi pa nakikilalang lalake matapos itong masagasaan ng isang truck habang mahimbing na natutulog sa center island ng Delpan Bridge Binondo, Manila madaling araw ng Miyerkules (12 July 2022).

Ayon sa drivr ng truck, nawalan umano siya ng kontrol ng manubela kaya’t hindi niya naiwasang madale ang biktima.

Gayunpaman, himas rehas naman na ngayon ang driver ng truck at nahaharap sa kasong homicide, at damages to life and property.

Ayon naman sa ilang nakakita sa pangyayari, malamang din diumano na nakatulog sa kanyang manubela ang driver dahil sa pagod at puyat kung kaya’t nawalan siya ng kontrol. (Val Leonardo/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply