P20K penalty, 5 taong kulong itinakda sa sinumang sisira ng bagong polymer 1K bill

P20K penalty, 5 taong kulong itinakda sa sinumang sisira ng bagong polymer 1K bill

Matibay at ang security features ay mahirap gayahin bukod sa maganda ang P1000 pisong papel ngayon ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas ngunit maging maingat.

Ito’y sa kadahilanang bawal tupiin, gusutin, gupitin, i-staple, sunugin o plantsahin dahil kapag nagkagayon, ito ay may kaukulang P20,000 pesos na penalty at hindi baba sa limang (5) taong pagkakulong ang sinumang lumabag nito.

Naging usap-usapan at tampulan ng kwento rin sa social media ang perang ito dahil sa imposibleng hindi matupi o magusot ang perang ito kapag ginamit na sa merkado. Resulta nakakatakot daw gamitin dahil sa maaaring maging penalty mo kapag natupi mo ito o magusot. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply