DROGA PA MORE: LADY PUSHER TIKLO SA P3.4M DRUG BUY-BUST SA QC

DROGA PA MORE: LADY PUSHER TIKLO SA P3.4M DRUG BUY-BUST SA QC

MANILA — Bumagsak sa mga kamay ng mga operatiba ng Phiippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region kasama ang Quezon City District Office (QCDO) Police Station 1 sa Barangay Balinggasa, Quezon City ang isang babae na kilalang tulak ng droga sa loob ng Balintawak public market ng lungsod Quezon.

Ang buy-bust operation at pag-aresto sa suspek ay naganap dakong alas-3:05 ng hapon ng Hulyo 10, 2022, sa M.A. Eatery & Sari-sari Store sa loob ng nabanggit na pamilihang bayan.

Batay sa report ng mga operatiba ng QCDO sa pangunguna ni Quezon City Distric Office IA-5 Cham Sulit, kay PDEA-NCR Director Christian Frivaldo sa ilalim ng pamumuno ni PDEA Director-General Wilkins Villanueva, kinilala ang naarestong personalidad na si Mary Grace Pantinople y Maynite (36), dalaga, market vendor at naninirahan sa Balintawak Market, Brgy. Balinggasa, Quezon City.

Ang mga nakumpiskang bahagi ng ebidensya sa ikinasang buy-bust ay isang (1) unit na itim na Huawei smart phone, isang (1) pirasong brown paper bag na may label na “Bench” na naglalaman ng isang (1) pirasong orange tea bag na may label na “Alishan Jin Xuan Tea 888, isang (1) pirasong self-sealing transparent plastic bag na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaghihinalaang shabu na nasa 500 grams ang timbang at boodle money.

Aabot diumano ang street value ng nakumpiskang droga sa P3.4 million.

Ayon kay Sulit, matagal na nilang minamanman ang mga galaw ng suspek na si Pantinople, bago ikinasa ang buy-bust operation sa lugar.

Ang suspek ang source ng bagsakan ng droga sa loob ng Balintawak public market, at ang kayang mga parokyano ay mga kargador sa loob ng palenke at mga driver na nagdidiliber ng iba’t ibang gulay mula sa north at south Luzon.

(Val Leonardo/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply