Livelihood training, household product-making inilunsad ng Caloocan city gov’t

Livelihood training, household product-making inilunsad ng Caloocan city gov’t

MANILA — Isa sa mga pinakatampok sa recovery program ng Caloocan City Government sa ilalim ng direktiba ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ay ang livelihood trainings para sa household product-making.

Ang Public Employment Service Office ay nagsagawa ng mga libreng pagsasanay sa Barangay 82 at Barangay 89 ngayong linggo, na nagtuturo sa mga stay-at-home individual, solo parents at senior citizens kung paano gumawa ng sarili nilang dishwashing liquid at bleach.

Ayon kay Mayor Malapitan,hindi lahat ng mga mamamayan ay masuwerteng makapagtrabaho at upang matupad ang kanyang pangakong “lahat kasama,” ang pamahalaang lungsod ay walang humpay sa pagbibigay ng mga oportunidad para sa kanilang mga sektor.

“Sa lahat ng ating mga kababayan na hindi makapag-trabaho dahil hindi qualified magiging tuloy-tuloy po ang ating mga livelihood programs para mabigyan din kayo ng oportunidad na kumita at magkaroon ng pagkakabuhayan,

Ang susunod na livelihood training activity ay nakatakdang isagawa sa Hulyo 19 sa Barangay 118, South Caloocan at Barangay 176, North Caloocan.

(Val Leonardo/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply