Mga residente nagkarambola sa ayuda form registration ngunit opisyales ng Bgy. Gen. T De Leon sa Valenzuela mariing nagbigay paalala

Mga residente nagkarambola sa ayuda form registration ngunit opisyales ng Bgy. Gen. T De Leon sa Valenzuela mariing nagbigay paalala

Nagdulot ng kaguluhan at nakalimot sa social distancing ang pagdagsa ng mga tao sa isang tindahan sa Barangay Gen. T. De Leon, Valenzuela City, malapit sa Mercado St. National High School nitong umaga ng Biyernes matapos na mayroong mamigay ng registration form para sa ayuda na galing diumano sa Filipino Sarimatans Inc. at sa kampo ng mga Marcoses.

Dahil dito, naglabas naman ng anunsyo ang Barangay Gen T. De Leon ng paglilinaw at pinaalalahanan ang mga nagbabayad para sa naturang registration form na umano’y umiikot ngayon at nangangakong magkakaroon ng ayuda ang mga nakarehistro.

“Ang Pamahalaang Barangay ng General Tiburcio De Leon ay WALA PONG KINALAMAN sa ganitong aktibidad sapagkat ito ay hindi po dumaan sa ating barangay, maging maingat at mapanuri po tayo lalo na kung ang mga ito ay may hihinging halaga sa inyo,” ayon sa isang mataas na opisyal ng barangay. (Val Leonardo/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply