Covid-stricken police pumalo na sa 71

Covid-stricken police pumalo na sa 71

Arwen Pascua

MANILA — Pumalo na sa 71 ang bilang ng kapulisan ang kasalukuyang ginagamot laban sa COVID-19 makaraang maitala ang 19 na mga bagong dinapuan ng virus nitong Sabado, Hulyo 16, 2022.

Sa datos ng Philippine National Police -Health Service (PNP-HS) dahil sa panibagong kaso ay nasa 48,980 na ang kabuuang kaso ng coronavirus disease sa police force simula Marso 2020.

Apat na pulis naman ang gumaling kaya 48,780 na ang nakarekober habang 129 ang nasawi na ang huli ay noong Abril 2022.

Nasa 99.74% naman o 225,647 ang fully vaccinated ng primary doses habang 150 pulis pa ang naghihintay ng ikalawang dose ng bakuna.

Nasa 223,033 o 98.84% ng police force ang tumanggap na ng booster shot habang mayroon pang 437 pulis ang hindi nababakunahan dahil mayroong medical condition at may paniniwala laban sa COVID-19 vaccines. (ai/mtvn)

Leave a Reply