‘Hoy!, Bawal sabit!’

‘Hoy!, Bawal sabit!’

Halos hindi mo na makita ang mga nakasakay sa loob dahil sa mga nakasabit na mga lalaking pasahero sa labas ng jeepney habang binabaybay ang kahabaan ng E. Service Road , Bicutan Taguig.

Ayon sa batas Republic Act No. 4136, Sec 51, “No person shall hang on to, or ride on, the outside or the end of any vehicle.. ” pero may mga iilan paring sumasabit sa mga pamapaseherong jeep tulad ng mga kalalakihang ito.

Bukod sa piligrong maaaring mangyari sa kanila ay maaari pang managot ang driver na pumapayag sa sakay sabit. Masama pa nito ay bulag ang mga ahensiyang nag papatupad sa mga batas na ito.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply