Fake reporter tiklo sa Valenzuela police  

Fake reporter tiklo sa Valenzuela police  

ARESTADO ng Valenzuela Police si Edwin Sarmiento, 57, residente ng Batasan Hills, Quezon City na nagpanggap na media at reporter umano ng pahayagang ‘Bulgar’ batay kay PSMS Roberto Santillan na umaresto sa suspek. Humihingi umano ng P3,000 mula kay kagawad Marco Antonio Dalag, 41, ng barangay Malanday, Valenzuela ang suspek para sa paglalathala
ng mga aktibidad at proyekto sa kanilang mga barangay.

Matapos ang isinagawang pagbeberepika at pag-iimbestiga, napag-alaman na si Sarmiento ay pekeng journalist at hindi miyembro ng anumang press organization. Samantala, mahaharap sa kasong estafa at violation ng Batas Pambansa BP-6 (Illegal Possesion of Deadly Weapon). (Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply