Karatula ‘wa epek’ sa pasaway na PUJ driver ng Taguig

Karatula ‘wa epek’ sa pasaway na PUJ driver ng Taguig

Halos kasinglapad ng entrada ng kanyang pampasadang jeep at naka-all caps pa ang “NO LOADING/UNLOADING” na karatula ngunit sadyang ‘gasmati’ at ‘pasaway’ ang ilan sa ating mga kababayang pumapasada sa lansangan.

“Deadma” lang ito’t nakahinto habang naghihintay pa ng mga pasaherong sasakay sa kanya sa E. Service Road, Bicutan, Taguig City.

Sa salitang Tagalog, ang “No Loading at Unloading” sign ay babala na hindi maaaring magsakay o magbaba sa bahaging ito ng daan dahil madalas na nagkakatrapik sa intersection dito.

Pati traffic enforcers ay mga pasaway din dahil ni isa man sa kanila na maninita sana sa violation ay wala kang makita. Whew!

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply