8 ‘fake media’ practitiones nalambat sa Laguna

8 ‘fake media’ practitiones nalambat sa Laguna

LAGUNA — Arestado ang walong indibidwal kabilang ang apat na babae at apat na lalaki na umano ay nagpanggap na mga mamamahayag na nangongolekta sa mga peryahan sa pamamagitan ng pananakot kapag hindi umano nagbigay ng protection money, makaraang maaresto ang mga ito sa isang checkpoint, kaninang madaling-araw sa Purok 1 Barangay Paciano sa lungsod ng Calamba.

Ang mga suspek na pawang nakapiit ngayon sa Calamba City Police Station na kinilalang sina Anne Cortez (32), Eric Floro (32), Rose Marie Malazarte (53), Benjamin Javier Jr. (60), driver; Theresa Dela Cruz Regaza (27), online seller; Efren Dela Cruz Regaza (22), Rodamy Prado at Christopher Yu (47), group leader (pawang mga nakatayo).

Ayon kay PLT Col Armel Pagulayan, (nakaupo sa dulo), Calamba City Chief of Police, humingi umano ng police assistance ang may-ari ng peryahan na si Jinggoy Cahanap (34), laban sa mga nasabing grupo, kung saan mabilis na nagsagawa ng checkpoint ang Calamba City PNP at nasabat ang sinasakyan ng mga suspek na Toyota FX na umano nagpakilala ang mga ito na mga mamamahayag.

Base sa isinumiteng report kay PBGen. Antonio Yarra Regional Director ng PRO4 Calabarzon kung saan diumano ay nagpapanggap na media practitioners ang mga suspek para makakolekta sa mga peryahan na humihingi ng Weekly Protection Money na may kasamang pananakot na kapag hindi umano mgbibigay ay ipasasara ang nasabing peryahan.
“We will investigate this matter. This is a rising concern that we must address to halt the modus operandi of these persons who are patrolling around funfair business establishments to extort money in exchange for the continuity of the business operations. These culprits are seemingly the same persons who are sending us PNP through social media and our hotline numbers. We have started to launch operations to address these concerns,” ayon kay PCol Cecilio Ison.
Hindi natin tino-tolerate ang mga modus operandi ng mga personalities katulad nito. Additionally, ang mga programs ng PNP katulad ng E-sumbong at PNP info text at mag hotlines ay para sa mga legitimate complaints o concerns ng ating mga kababayan na humihingi ng tulong pangseguridad, huwag itong gamitin ng kung sino man para kumita; otherwise, the law shall pursue you,” sabi ni PBGen. Antonio Yarra.
Narekober sa mga suspek ang mga pekeng identification cards at hinihinalang extortion money. Napag-alaman din na ang nasabing grupo ang nagre-report ng pekeng impormasyon sa E-Sumbong at PNP info text. (ai/mtvn)
(Val Leonardo /BC/ai/mtvn)

Leave a Reply