Trabahong handog habang bakasyon sa mga estudyante ng Muntinlupa dinagsa ng aplikante

Trabahong handog habang bakasyon sa mga estudyante ng Muntinlupa dinagsa ng aplikante

Dinagsa ng mga estudyanteng nais magtrabaho sa City Hall ng Muntinlupa habang bakasyon ang Special Program for Employment of Students (SPES) ng Public Employment Service Office (PESO) ng lungsod at ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang bawat isang estudyanteng matatanggap ay ia-assign sa ibat-ibang departamento ng lungsod at makakatanggap ng cash na bayad sa kanilang serbisyong trabaho at insurance sa loob ng isang taon.

Kahit ang out of school youths ay may pagkakataong matanggap basta magpakita lang ng sertipikasyon galing sa Social Welfare and Development Officer (SWDO). (Peter M. Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply