‘Wais imbak, libreng tubig ulan’ ngunit mapanganib

‘Wais imbak, libreng tubig ulan’ ngunit mapanganib

When it rains, it pours ‘ika nga ng kasabihan kung kaya’t todo ipon ng tubig ulan ang isang ale na ito sa Metro Manila sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan nitong Lunes (18 July 2022).

Wais at libre ang pag-iipon ng tubig ulan sa mga container o sa malalaking drum dahil sadyang malaking tulong ito bilang pandilig ng halaman, panglinis ng banyo at kung anu-ano pa. Malaking kabawasan din ito sa bayarin buwan-buwan sa tubig.

Ang siste lang nito ay dapat na seguruhing ligtas ang mga lalagyan sa mga kiti-kiti dahil pwede itong pagpugaran ng dengue-carrier na mga lamok.

(Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply