3 arestado sa paglabag sa gun ban

3 arestado sa paglabag sa gun ban

MANILA — Arestado ang tatlong (3) kalalakihan sa Malabon City dahil sa paglabag sa RA 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” o Gun Ban alinsunod sa pagbabawal ng pagdala ng baril bilang paghahanda sa seguridad sa unang State of the Nation Address (SONA ni President Bongbong Marcos.

Nasamsam sa tatlong (3) hindi pa pinangalanang mga kalalakihan ang sari-saring baril at bala bandang alas-9:30 ng umaga ng Biyernes, Hulyo 22, 2022, ng Operating Team ng Traffic Enforcement Branch, RHPU-NCR sa ilalim ng direktang pangangasiwa ng PMAJ JOSELITO E QUILA (Deputy Chief, RHPU-NCR).

Natiklo ang mga suspek habang nagsasagawa ng Anti-Carnapping Operation ng kapulisan na mahigpit na nagpapatupad ng RA 4136 seatbelt law at hindi awtorisadong paggamit ng improvised plate ang gamit nilang Suzuki Ciaz GL-AT Sedan 2019.

May Plate No.: PPW 246 ang dala nilang sasakyan at naka-rehistro kay JOHBET TONGCO na nakatira sa 129 Macopa Road Potrero Malabon.

Nakuha sa mga suspek ang isang Bersa 380 na baril, Llama 9mm, at 45 automatic Caliber Cilts MKIV.

Ang SONA Gun Ban ay magtatapos sa darating pa na July 27, 2022.

(Val Leonardo/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply