DOLE namigay ng ayudang bigas sa Caloocan City

DOLE namigay ng ayudang bigas sa Caloocan City

Mahigit 125 residente ng Caloocan City ang nakatanggap ng “BIGASAN” livelihood packages mula sa pamahalaang lungsod at Department of Labor and Employment-National Capital Region (DOLE-NCR) sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) noong Miyerkules ng umaga, Hulyo 20.

Layunin ng programa na matulungan ang mga marginalized sector, lalo na ang mga indibidwal na nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemic.

Ayon kay Caloocan City Mayor Along Malapitan, malaki aniya ang kanilang pasasalamat sa DOLE sa malaking tulong hatid ng programang ito sa mamayan ng Caloocan City. (Val Leonardo/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply