1 year ban sa mga natalong kandidato sa eleksyon amendahan

1 year ban sa mga natalong kandidato sa eleksyon amendahan

Ang isang kandidatong natalo sa halalan ay hindi maaring ma-appoint sa posisyon sa gobyerno sa loob ng isang taon matapos ang eleksyon.

Ito ay nakasaad sa Saligang Batas, Article 9 (B) Sec. 6: No candidate who has lost in ANY election, shall WITHIN ONE YEAR AFTER (the) ELECTION, be appointed to any office in the government or any government-owned or controlled corporation or in any of its subsidiaries.

Pero hindi lahat ng HINDI NANALO SA ELECTION AY MAY ONE YEAR BAN.

Sa RA7160 Sec 94(b): Ang natalo sa barangay election ay hindi covered ng one year ban (EXCEPT FOR LOSING CANDIDATES IN BARANGAY ELECTIONS).

Ito ay kahit sa Saligang Batas ang nakalagay ay ANY ELECTION.

Ayon din sa COMELEC ay hindi rin covered ng ban ang mga nominees ng natalong partylist. Dahil ang kandidatong binoboto ay ang PARTYLIST at hindi ang nominado.

Ito ang nangyari kay Mocha Uson noon 2019 na kahit hindi nanalo ang kanyang Partylist ay na-appoint sa posisyon sa gobyerno.

Hindi rin applicable sa mga nag-withdraw na kandidato bago mag election dahil sa hindi naman sila natalo dahil nag withdraw nga.

Pero iba rin ang batas sa mga elected officials na tumakbo man at natalo ay may natitira pa namang termino. Halimbawa sa isang senador na may three years pa sa kanyang termino at tumakbong vice president pero natalo ay balik Senado lang siya.

Bakit nga ba may one-year ban sa appointment ang natalong kandidato?
Parusa ba sa kanya? Dahil sa hindi niya nakuha ang mandato ng tao?

Paano kung nadaya lang siya? Biktima ng vote buying? Pag talo ba siya hindi na siya qualified sa posisyon? Sayang naman ang maari niyang maitulong sa bayan kung pwede lang sana sya ma-appoint.

Marahil isa rin ito na dapat tingnan ng ating mga mambabatas. Na ma-amendahan ang one-year ban sa Saligang Batas.

Bakit ang natalo sa barangay election ay walang ban. O kaya ang natalong senador ay maari pa rin bumalik sa senado pag may taon pang natitira sa term niya?

Panahon na para masilip ang batas na ito at ma-amendahan ang one-year ban sa mga natalong kandidato?

Leave a Reply