Hanay ng agrikultura, ekonomiya, kalusugan, at edukasyon bigyan prayoridad sa unang SONA ni PBBM — Cotabato 3rd District Rep. Sam Santos

Hanay ng agrikultura, ekonomiya, kalusugan, at edukasyon bigyan prayoridad sa unang SONA ni PBBM — Cotabato 3rd District Rep. Sam Santos

“Sa unang State of the Nation Address ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., inaasahan kong magiging bahagi ang mga sektor na nangangailangan ng atensyon sa kaniyang prayoridad. Kabilang na dito ang hanay ng agrikultura, ekonomiya, kalusugan, at edukasyon.

Bilang isang batang lider, alam ko na kaakibat ng aking paninilbihan bilang kinatawan ng ikatlong distrito ng Cotabato ay ang pamumuno na may Serbisyo at Malasakit. Pamumuno na marunong makinig sa kanyang nasasakupan; pamumuno na sinisigurong lahat ay kasama sa paglalakbaytungo sa maunlad at mapayapang Cotabato. Sisikapin kong tugunan ang mga hamon na hinaharap ng ating distrito, lalo na sa aspetong ito.

Higit sa lahat, pinapangako ko na kaSAMa niyo ako sa pagharap sa mga hamong ito. Serbisyong malinis, tapat, at may malasakit.”

Hon. Ma. Alana Samantha Taliño Santos
Representative, 3rd District of Cotabato

Leave a Reply