‘Hayan na po sila’

‘Hayan na po sila’

Matamang pinagmamasdan at inoobserbahan ng isang sundalong nasa itaas ng overpass sa may Tandang Sora sa Commonwealth Avenue ang mangilan-ilan na mga raliyistang sasalubong din sa unang State of the Nation Address ni President Bongbong Marcos ngayong araw, Lunes (25 July 2022).

Saktong alas-9:30 ngayong umaga ng Lunes ay nagsimula na nilang baybayin ang kahabaan ng Commonwealth papuntang Tandang Sora cor. Mindanao Extension, na siyang itinakdang lugar para sa mga nag proprotesta sa kanuna-unahang SONA ni PBBM.

Inaasahang dumagsa pa at sumali rin ang ilan pang pressure groups sa street demonstrations habang papalapit ang SONA ni PBBM na siya ring pormal at hudyat ng pagbubukas ng 19th Congress ng bansa.

(Val Leonardo/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply