Honest trike driver tinanghal na ‘Bayaning Munti’ ni Mayor Ruffy

Honest trike driver tinanghal na ‘Bayaning Munti’ ni Mayor Ruffy

Labis ang paghanga ni Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon kaya’t ginantipalaan n’ya si Dexter Pacquiao matapos isoli ng huli sa may-ari ang ₱413,000 na napakalaking halagang naiwan sa pinapasada niyang tricycle.

Ginawaran din ng pamahalaang lungsod ng pagkilala bilang “Bayaning Munti” ang trike driver sa kanyang ipinamalas na kahanga-hangang katapatan at mismong ang alkalde ng lungsod ang nag-abot nito sa kanya.

Ayon sa alkalde, ang mga kagaya n’yang tapat sa lungsod ay dapat gawaran ng pagkilala at gantimpalaan para tularan ng marami.

Sabi ni Dexter kahit kailan hindi n’ya magagawang angkinin ang ‘di naman sa kanya kaya’t agad n’ya itong isinoli sa may-ari. (Peter Lacang/BC/AI/MTVN)

Leave a Reply