‘Usual suspects’ na mga raliyistas kontra SONA nakaporma na

‘Usual suspects’ na mga raliyistas kontra SONA nakaporma na

Kung ang Malacanang ay hindi na magkamaliw sa kabisihan sa paghahanda sa unang State of the Nation Address ni President Bongbong Marcos, ay ganun din naman ang “usual suspects” na mga raliyistas kapag may SONAng gaganapin.

Sa kuhang ito ng roving lensman ng Maharlika TV News, naghahanda na sa pag-usad ang mga magpo-protesta mula UP Diliman papuntang Tandang Sora upang doon ipagsigawan ang mga hinanaing sa bagong pamunuan ni PBBM.

Ang area ng Tandang Sora sa Commonwelath Avenue ang siyang venue lamang na pinahintulutan ng pamunuang lungsod ng Quezon City na pagdarausan ng peaceful rallies ng mga militanteng grupo ng bansa.

(Val Leonardo/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply