Bilang ng mga estudyante na nagpatala sa unang araw ng enrollment umabot sa 2.8M, ayon sa DepEd

Bilang ng mga estudyante na nagpatala sa unang araw ng enrollment umabot sa 2.8M, ayon sa DepEd

Dumagsa ang mga nagpatalang estudyante sa pagsisimula nitong Martes ng enrolment sa iba’t ibang eskuwelahan sa bansa para sa darating na pasukan, na sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng dalawang taon ay magdaraos na muli ng face-to-face classes dahil sa pandemya dulot ng Covid-19.

Makikita sa larawan ang mga estudyante na kasama ang kanilang magulang nang magpatala sila sa Buting Senior High sa Pasig City.

Ayon sa Department of Education, na pinamumunuan ngayon ni Vice President Sara Duterte, umabot diumano sa 2.8 million ang bilang ng mga estudyante na nagpatala sa unang araw ng enrolment sa lahat ng antas sa bansa. (Ieshua Jai-ren Asuncion/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply