Live-in partners tiklo sa Bulacan-PDEA drug ops, P300K+ halaga ng shabu nasamsam

Live-in partners tiklo sa Bulacan-PDEA drug ops, P300K+ halaga ng shabu nasamsam

tinatayang nasa P345,000 halaga ng crystal meth (shabu) ang nasabat mula sa isang live-in partners sa inilunsad na buy-bust operation ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency-Bulacan Provincial Office sa Muzon Central Terminal, Barangay Muzon dakong alas-2:15 ng hapon ng Lunes (25 July 2022).

Sa report ng mga operatiba kay PDEA Director-General Wilkiins Villanueva, kinilala ang mga naarestong suspek na sina: Kadapi Sarip y Gavino, Single, 27 anyos, residente ng Brgy. San Pedro, Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan; at
Jaycel Ordiz y Lincallo, 26, residente rin ng naturang address.

Ayon sa mga alagad ng batas, naaresto agad ang mag-live-in partner matapos na mahawakan ang plastic bag na naglalaman ng shabu ng isang undercover agent.

Nakuha sa mga naarestong suspek ang isang (1) pirasong knot-tied transparent plastic bag na naglalaman ng 50 grams na shabu na nagkakahalaga ng P345,000 at ang buy-bust money.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa laban sa mga naarestong suspek.

(Val Leonardo/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply