Mayor Sandoval pinangunahan ang paglilinis ng water lilies na sanhi ng pagbaha

Mayor Sandoval pinangunahan ang paglilinis ng water lilies na sanhi ng pagbaha

MISMONG si Malabon Mayor Jeannie Sandoval ang nanguna sa paglilinis ng mga water lily na nakaharang sa daluyan ng tubig sa isang creek ng Barangay Tinajeros at Acacia sa lungsod ng Malabon nitong Martes (26 July 2022).

Ang mga water lily ay siyang sinisisi na sanhi diumano ng mabilis na pagbaha sa lugar lalo’t madalas na ang pag-ulan.

Hinikayat ng alkalde ang mga residente na magpapatuloy ang clean-up operation tuwing araw ng Linggo sa bawat barangay sa lungsod ng Malabon upang masiguro ang kalinisan at kaligtasan ng bawat isa.

(Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply