PNP outreach program inilunsad

PNP outreach program inilunsad

MAHIGIT sa 30 pares na sapatos, mga T-Shirt at librong Gospel of John Roman ang siyang ipinamahagi ni PLtCol Aldrin O. Thompson, Acting Chief of Police ng Valenzuela City Police sa isang outreach program na nilunsad nitong Martes, 26 July 2022.

Galing sa isang pilantropong nagngangalang Mark Supremo diumano ang mga ayuda para sa mga masisipag na Barangay Tanod ng Barangay Maysan, Valenzuela. Ito’y isinagawa ng kapulisan sa Barangay Hall 3S Maysan Annex, ng
naturang lungsod.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ng pagkilala ang mga tanod dahil sa
kanilang kasipagan noong kasagsagan ng pandemya. Isa sila sa mga
itinuturing ng bayan na frontliners sa gitna ng krisis sa kalusugan.
(Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply