Pasaway sa batas trapiko naglipana sa daan

Pasaway sa batas trapiko naglipana sa daan

Kahit napakadelikado para sa kanilang lahat at mahigpit na ipinagbabawal ang mag-motor na walang suot na helmet, tila walang pakialam ang mga pasaway na mga riders na ito sa kanilang kaligtasan pati sa maaaring traffic violation nila habang binaybay ang Putatan Road Muntinlupa City kaninang umaga (July 27,2022).

Ang Muntinlupa Traffic Office ay palaging nagpapaala-ala na magsuot ng helmet ang mga rider at angkas nito kapag sumakay sa motorsiklo ngunit may iilan pa ring mga rider na binabalewala lamang ito’t nakakalusot.

Kabit-kabila naman ang mga checkpoint ng kapulisan ngunit tila bagang maluwag din ang enforcers sa pagsawata sa mga pasaway na mga riders sa lungsod.

(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply