₱3.4 million halaga ng shabu nasabat ng pdea sa Cotabato City”

₱3.4 million halaga ng shabu nasabat ng pdea sa Cotabato City”

MANILA — Aabot sa P3.4 milyon na halaga ng hinihinalang crystal meth o shabu ang nasabat ng mga otoridad sa ikinasang buy-bust operation sa paligid ng Bubong Road, Tamontaka 1, Cotabato City alas-2:40 ng madaling araw kahapon ng Hulyo 27, 2022.

Batay sa report ng mga operatiba kay Philippine Drug Enforcement Agency Director General Wilkins Villanueva, kinilala ang naarestong suspek na si Buhare Tutin Abusupian alyas Warex Guinno, alyas Tutin, at alias Misuari, 22 taong gulang, may asawa, at residente ng Barangay Damablac, Talayan, Maguindanao.

Nag-operate dumano ang maraming alias na suspect ng ilegal na droga sa mga kalapit na bayan sa Maguindanao at Cotabato City.

Nabatid na ang entrapment operation ay magkatuwang na isinagawa ng PDEA BARMM operatives, PNP-Maritime, 99th Infantry Battalion, Philippine Army, CCPO-Police Station 3, NBI BARMM, HPG-BAR, DOS-MPS, at CCPO-CDEU.

Nakumpiska sa operasyon ang sampung (10) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang na 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000, ang buy-bust money, at isang (1) unit ng mobile phone na ginagamit sa mga parokyano.

Nahaharap ngayon ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 na isasampa laban sa naarestong suspek na nasa kustodiya na ngayon ng PDEA-BARMM Jail Facility.

Ayon kay Villanueva, tuloy-tuloy ang operasyon ng PDEA laban sa mga ayaw pang tumigil sa pagbebenta ng droga ng bansa.

(Val Leonardo/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply