Breast feeding, vax drive inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Malabon bilang pakikiisa sa 48th Nutrition Month celebration

Breast feeding, vax drive inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Malabon bilang pakikiisa sa 48th Nutrition Month celebration

Nakihalubilo si Malabon Mayor Jeannie Sandoval sa mga magulang kasama ang kani-kanilang mga sanggol sa isinagawang Breast Feeding at Vaccination Drive sa selebrasyon ng 48th Nutrition Month na may temang “New Normal na Nutrisyon, Sama-Samang Gawan ng Solusyon.”

“Bilang mga ina, alam natin kung gaano kaimportante ang sapat na nutrisyon at proteksyon na dulot ng bakuna sa tamang paglaki ng ating mga anak. Masisiguro natin ang kalusugan sa pamamagitan ng tamang kaalaman, at suporta mula sa mga programa ng Department of Health at ng Pamahalaang Lungsod,” saad ni Sandoval. (Aj Rabulan/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply