‘Kapag kulang sa ingat, pantanggol na armas puwedeng mitsa ng buhay’

‘Kapag kulang sa ingat, pantanggol na armas puwedeng mitsa ng buhay’

Kapansin-pansin ang mahabang M16 na baril ng pulis na ito kahit s’ya ay naka-jacket habang binaybay ng kanyang motorsiklo ang kahabaan ng East Service Road, Muntinlupa City kasabayan ang iba pang mga motorcycle riders.

Ang baril ng mga pulis ay service firearm nila sa kanilang mga deployment sa pagbibigay seguridad sa komunidad at normal lamang ito.

Ngunit ayon sa ilang mamamayan, ang kanyang pantanggol na armas ay maaari rin itong maging mitsa ng kanyang buhay dahil exposed ang baril n’yang dala lalo’t mahaba at kapansin-pansin bukod sa mag-isa lamang s’yang pulis sa kalsada. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply