Operation Kontra Dugyot ipinatupad ni Lacuna sa Maynila

Operation Kontra Dugyot ipinatupad ni Lacuna sa Maynila

Alinsunod sa kautusan ni Manila Mayor Honey Lacuna, umarangkada na ang Operation Kontra Dugyot sa Maynila kung kaya’t nagsagawa ng clearing operation nitong Huwebes (28 July 2022) ang mga tauhan ng Manila Hawkers sa kahabaan ng Trabaho Market, Fajardo St, S.H. Loyola at M. dela Fuente St. dahil sa reklamo ng mga nagdaraan sa bangketa na halos sakupin na ng mga vendor ang nasabing lugar.

Kinuha ang kanilang mga kariton, mga kahoy, trapal at ilang lagayan ng kanilang mga paninda at mga panindang iniwan ng mga may-ari na nagtakbuhan nang makita ang raiding team.

Ang naturang operasyon ay alinsunod sa kautusan ni Mayor Honey Lacuna na huwag maging dugyot sa “inyong lugar sa labas at loob ng inyong bahay.”

(Kiara Lauren Ibanez/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply