Swimming sa grassroots level ng PH buhay sa SLP at FINIS

Swimming sa grassroots level ng PH buhay sa SLP at FINIS

Makikita sa larawan (left to right) si TOPS president Maribeth Repizo-Santos, coach Vince Garcia, Managing Director ng FINIS Philippines; Behrouz owner Harold Mojdeh at SLP team manager Joan Mojdeh kahapon sa pagbabalik ng face-to-face na talakayan ng sports forum.

MANILA — Siksik, liglig at umaapaw ang talento ng homegrown swimmers at kung pag-uusapan ang grassroots level ng ‘Pinas ay buhay na buhay ang mundo ng kabataan sa masigasig na programa ng iba’t-ibang swimming club sa bansa kabilang na ang Swim League Philippines (SLP) sa pakikipagtulungan ng FINIS Philippines.

Iginiit ni SLP team manager Joan Mojdeh na mas naging agresibo ang pakikilahok ng mga batang swimmers sa bawat programa sa grassroots level bunsod na rin ng nilikhang inspirasyon ng mga atleta na ngayon ay nasa mataas nang antas ng kompetition at nahubog sa mga kompetisyon sa abroad.

“We’re happy sa nakikita naming turn-out ng mga participants sa local tournaments. On our case, sa SLP tuloy-tuloy kasi yung aming monthly tournaments and collaboration sa mga provincial club. This August, may event kami sa Sta. Rosa for Southern Tagalog members. Then may naka-lineup din kaming international meet na ginagawa namin regularly para talagang masanay ang mga bata,” pahayag ni Mojdeh sa pagbabalik ng face-to-face sports forum na Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ nitong Huwebes sa Behrouz Restaurant sa Timog, Quezon City.

“Sa nakita nilang resulta na from grassroots ng SLP, then aangat sa elite team sa aming BEST (Behrouz Elite Swimming Team ) then sa National Team under the Philippine Swimming Inc. (PSI) mas nagpupursige ang mga bata na mas madevelop at mapalakas ang personal time nila,” sambit ni Mojdeh.

Sa kasalukuyan, apat na swimmers — National junior record holder Jasmine Mojdeh, magkapatid na Rueben at Heathern White at Amina Isabelle Bungubung — na produkto ng SLP program ang kabilang sa eight-member Philippine Team na isasabak ng PSI sa World Junior Championship sa Agosto 30 hanggang Setyembre 4 sa Lima, Peru.

“Mas masigasig ang ating mga batang swimmers knowing that a lot of opportunities are waiting for them. Besides, slots for the National Team, posible ring silang makakuha ng scholarship sa malalaking universities and play for UAAP and NCAA, or makakuha ng scholarship sa ibang bansa,” pahayag ni Mojdeh sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB) at PAGCOR.

Kinatigan ni triathlon coach Vince Garcia, Managing Director ng FINIS Philippines, ang pahayag ni Mojdeh kasabay ng pahayag na malaki ang maitutulong ng sports hindi lamang sa malusog na pangangatawan ng kabataan bagkus sa kanilang matatag na personalidad.

“That’s actually what we’re doing. Ang pagkakaiba lang sa aming FINIS program, we’re trying to give them a chance to compete in the global type of environment because our championship is based on how an international competition is going. From, prizes, medals and format, para na rin silang sumali sa tournament abroad. Of course, the BEST swimmers are already experienced that but there are some or many who never experienced it, kaya kami we want to train them para malaman nila na ganito ang scenario once they compete in high-level competition,” pahayag ni Garcia.

Matagumpay ang isinagawang Luzon at Visayas leg ng FINIS Short Course championship na inorganisa ni Garcia sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon dulot ng pandemya at nakatakdang ganapin ang Mindanao leg sa Agosto 6-7 sa Davao del Sur swimming pool sa loob ng Gov. Douglas RA Cagas Sports Complex sa Matti, Digos City, Davao del Sur.

“This is the last chance ng mga swimmers na makasali sa National Finals and the way the online registration is going, ang daming nagpapalista. Under the format, yung top 16 swimmers sa bawat events after the Mindanao leg ang makakasama sa National Finals on August 26-27 at the New Clark swimming pool in tarlac.

Nilinaw ni Garcia na hindi lamang sa swimming nakatuon ang pansin ng FINIS Philippines bagkus sa lahat ng aquatics sports sa bansa tulad ng aquathlon, triathlon for kids, at open swimming. (ai/mtvn)

Leave a Reply