2 nabagsakan ng gumuhong pader sa Sta. Mesa, Manila

2 nabagsakan ng gumuhong pader sa Sta. Mesa, Manila

Nirespondehan ng kawaning Manila Disaster Risk Reduction Management Office ang isang tawag ng concerned citizen na kung saan mayroong napaulat na nabagsakan ng pader sa Masikap St. Bacood, Sta. Mesa, Maynila.

Kasama sa rumesponde ang mga kawani mula sa RAHA fire volunteer at Bureau of Fire Protection (BFP).

Ang nasabing pagguho ay kasalukuyan nang iniimbestigahan ng Department of Engineering and Public Works (DEPW) ngunit ayon sa mga rumesponde, maaaring humina ang pondasyon ng pader dahil sa aftershocks ng 7.0 Magnitude earthquake sa Abra kaya bumagsak.

Nalapatan na ng pangunang lunas ang dalawang nasaktan sa pangguho.

(KIara Lauren Ibanez/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply