Homeless people ng MM, malaking hamon kay DSWD chief Erwin Tulfo

Homeless people ng MM, malaking hamon kay DSWD chief Erwin Tulfo

Dahil marahil sa malamig ang simoy ng hangin at sa pabugso-bugsong ulan sa lansangan ngayon, mahimbing ang pagkakapahinga’t tulog ng mamang ito sa tapat ng isang motorcycle shop sa Gen. T. De Leon Road, Valenzuela City kahapon na tila nasa isang maliit na kwarto lamang s’ya at ‘di alintana ang kaganapan sa labas.

Ito ang malaking hamon ngayon kay Sec. Erwin Tulfo ng DSWD kung papano aabutin ang mga kagaya n’ya sa lansangan na ginagawang tulugan at tahanan ang lansangan dahil sa kahirapan.

Kamakaylan ay nagbigay ng kautusan sa mga sangay ng ahensya ang kalihim na abutin ang mga nangangailangan at kung hindi magpapasya umano ito na sila ay tanggalin. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply