SMC, Mayor Biazon sanib-pwersa sa libreng pa-hotdog sandwich ng ‘Munti’

SMC, Mayor Biazon sanib-pwersa sa libreng pa-hotdog sandwich ng ‘Munti’

Masayang pinilahan ngayong umaga (August 1, 2022) ng mga empleyado ng City Hall ng Muntinlupa ang libreng pa-hotdog sandwich na ito ni Mayor Ruffy Biazon matapos ang kanilang flag raising ceremony.

Ang libreng almusal na ito ay inisponsoran ng San Miguel Corporation na gagawin na kada-unang Lunes ng buwan bilang pagsuporta ng alkalde sa mga kawani ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa.

Ikinagalak naman ng mga empleyado ang ginawang ito ni Mayor Ruffy Biazon sa malasakit na naramdaman nila sa alkalde.(Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply