APOLE naghandog ng Oplan Tuli sa Maynila

APOLE naghandog ng Oplan Tuli sa Maynila

Naghandog tulong ang mga miyembro ng Association of Police Officers vis Lateral Entry (APOLE) sa pamumuno ni PLTCol Rizalino Ibay at iba pang natatanging opisyales ng APOLE sa pamamagitan ng paglungsad ng “OPLAN TULI” kung saan 170 na batang lalaki ang naging benepisyaryo ng libreng pagtuli katulong ang mga mahuhusay na Medical Staff ni Luisito Chua, MD, ng District II, Manila.

Isinagawa ang nasabing programa nitong Lnes, Agosto 1, 2022, sa Multi-Purpose Hall ng Manila Police District Headquarters, Taft Avenue, Ermita Manila, , sa ilalim ng liderato ni District Director PBGen Leo Francisco.

Nagbigay ngiti sa bawat magulang at kanilang mga anak at mga kamag-anak na nabigyan pagkakataon maging parte ng nasabing programa. (Kiara Lauren Ibanez/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply