Mahigit 100 legislative measures sa 18th Congress naging batas

Mahigit 100 legislative measures sa 18th Congress naging batas

Ni Liza Soriano

MANILA — Mahigit 100 na panukalang batas na inihain sa Senado at House of Representatives noong ika-18 Kongreso ang naging batas ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri nitong Martes.

Kabilang sa mga panukalang batas ang Expanded Solo Parents Welfare Act of 2020, ang Special Protections Against Online Sexual Abuse and Exploitation of Children Law, ang Vaporized Nicotine Products Regulation Act, at ang Social Pension ng Indigent Senior Citizens.

Ang mga lokal na panukalang batas, buwis, badyet, at prangkisa ay kabilang din sa mga naging batas.

“I’d also like to put on record that these measures were the last batch of measures that we sent to Malacañang,” ayon kay Zubiri.

“The focus on the last few days was about the vetoing of five measures but maybe we failed to see all the other measures that were not vetoed,” dagdag pa niya.

(ai/mtvn)

Leave a Reply