Operation libreng anti-rabies vaccines patuloy sa buong Caloocan City

Operation libreng anti-rabies vaccines patuloy sa buong Caloocan City

Patuloy ang operation libreng anti-rabies vaccines sa buong lungsod ng Caloocan sa pangunguna ng City Veterinary Services (CVS) sa pagsisikap nitong pigilan ang pagkalat ng rabies sa mga ligaw at alagang hayop sa mga komunidad.

Sa ilalim ng direktiba ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, ang mga empleyado ng CVS ay inatasan na mag-set-up ng vaccination sites sa iba’t ibang barangay sa lungsod.

Ito ay nagsimula sa simula pa lamang ng kanyang administrasyon upang labanan ang banta ng rabies; at upang maiwasan ang mga kaso ng pagkakaroon ng nasabing virus mula sa mga infected na hayop.

Araw-araw, ang nasabing departamento ay nag-inoculate ng 200 hanggang 500 na hayop sa isang partikular na komunidad.

Ang aktibidad na ito ay tumatanggap ng mga alagang hayop na ang mga may-ari ay mga residente ng Caloocan City, anuman ang kanilang barangay.

Ayon kay mayor Along” Malapitan “kabahagi ng ating inisyatibo na paunlarin ang pampublikong kalusugan ang pagtitiyak na ligtas din ang ating mga alagang hayop, kaya’t inatasan natin ang City Veterinary Office na magsagawa ng malawakang libreng bakunahan kontra rabies para sa mga aso at pusa,

“Para sa ating mga kababayan na mayroong alagang hayop na edad tatlong buwang pataas na hindi pa nababakunahan, maghintay po tayo sa anunsyo ng Barangay ukol sa schedule ng libreng anti-rabies sa inyong lugar. Magdala po ng inyong valid ID at vaccination card ng inyong alaga kung mayroon,” wika naman ni Dr. Rosales ng CVS.

(Val Leonardo/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply