CalNatSci riders nagsagawa ng motorcade outreach activity

CalNatSci riders nagsagawa ng motorcade outreach activity

MANILA — Nagsagawa ng Motorcade Outreach Activity sa Barangay 178 Atis Street Area D Camarin, Caloocan City ang Caloocan National Science and Technology High School kasama ang ilang CalNatSci Community members, parents-teachers association, mga magulang, students, at iba pang stakeholders-partners tulad ng Media Task Force Riders for Charity CalNatSci Chapter at ang CalNatSci Riders Club Miyerkules ng umaga (August 3, 2022).

Ang mga beneficiary ng motorcade ay ang Camarin D. Elementary School Unit II, Horacio Dela Costa Elementary School, Bagong Silang Elementary School at ang Rene Cayetano Elementary School na tumanggap ng school supplies at reference material.

Nagpa-abot naman ng pasasalamat ang CalNatSci at ang Elementary School beneficiaries sa mga nagsponsor, magulang, estudyante at mga riders group na naging bahagi ng brigada eskwelang ito. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply