Committee chairmanship ng Senado plantsado na

Committee chairmanship ng Senado plantsado na

MANILA — Ang lahat ng committee chairmanship ng Senado ay isinaayos na.

Gayunman, apat na makapangyarihang komite sa Senado ang napasakamay ni presidential sister Sen. Imee Marcos

Kabilang sa mga ito ay ang committees on electoral reforms and peoples participation at cooperatives, gayundin ang foreign relations at social justice committee.

Nasungkit din ng dalawang neophyte Senators ang maituturing na ‘juicy committee’ na kung saan hahawakan ni Villar ang Senate committee on banks habang Senate public information naman kay Padilla.

Nauna na ring nakuha ni Villar ang Committee on Trade habang ang inaasam na Senate committee on constitutional amendments, revision of codes ay napunta sa aktor.

Hahawakan naman ni Sen.Grace Poe ang Committee on public affairs at public services habang hawak ni Sen. JV Ejercito ang Urban planning, housing and resettlement.

Mananatili naman sa dating pinanghahawakan na chairmanship noong 18th Congress ang limang Senador na sina Cynthia Villar, Nancy Binay, Sonny Angara, Christopher “Bong” Go, at Ramon “Bong” Revilla Jr.

Itutuloy ni Villar ang pamumuno sa Environment committee, Binay sa tourism, Angara ay sa committee on youth.

Mananatiling chairman ng sports si Go at si Revilla pa rin ang hahawak ng committee on civil service.

Hawak din ni Villar ang committee on agriculture, Binay sa committee on accounts, Go sa committee on health, Angara sa committee on finance at Revilla, committee on public works. (ai/mtvn)

Leave a Reply