EO 15 na anti-illegal vending, parking ni Lacuna rumatsada na sa Maynila

EO 15 na anti-illegal vending, parking ni Lacuna rumatsada na sa Maynila

Nagsagawa ng joint operation ang mga tauhan ng Manila Hawkers Association sa pamumuno ni Ret. Col. Carlos Baltazar, Manila Engineering Public Works (MEPWD) chief Armando Andres, at ang mga kawani ng MTPB, DPS at Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) para ipatupad ang nilagdaang Executive Order 15 ni Manila Mayor Honey Lacuna na ipinagbabawal na ang illegal vending at illegal parking sa ilang lugar ng Maynila.

Makikita sa larawan ang eksena ng paghahakot ng mga kagamitang paninda sa bangketa na pinagtatanggal ayon sa EO No. 15 ni Mayor Lacuna.

Maging ang mga naka-parking na mga motor sa Carriedo, Avenida, Rizal Avenue, C.M. Recto, Gonzalo Puyat, Raon, Quiapo, at Quezon Blvd ay hinakot din nang maabutan. (Kiara Lauren Ibanez/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply