LIBRENG SAKAY PROGRAM INILUNSAD NI VPSD

LIBRENG SAKAY PROGRAM INILUNSAD NI VPSD

Pinangunahan ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Z. Duterte ang pagbubukas ng Libreng Sakay Program ng Office of the Vice President at blessing ng mga papasadang mga bus ngayong umaga ng Miyerkules (Aug.3 ) sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ayon sa opisina ng vice president, hindi lamang sa Metro Manila ang kaganapang ito kundi sa buong bansa mula Aparri hanggang Jolo.

Dumalo rin si Department of Transportation (DOTr) Sec. Jimmy Bautista sa launching ng LSP dahil kaakibat ang kanyang opisina sa naturang programa pati na ang PITX. (Val Leonardo/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply