Pagtatalaga ng bagong DOH chief nararapat na — Hontiveros

Pagtatalaga ng bagong DOH chief nararapat na — Hontiveros

Ni Liza Soriano

Photo courtesy by BusinessMirror

MANILA — Igniit ni Senator Risa Hontiveros na dapat nang magtalaga ng bagong kalihim ng Department of Health ( DOH si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasunod ng pagpasok ng kaso ng monkeypox sa bansa.

“Actually isa yon sa pinakaunang inaasahan natin na maa-appoint ni Presidente. Sa mga pangalan na lumulutang na, magandang maitanong na, sila ba ay ang pinakamagagaling, pinaka-katiwa-tiwala, kasama na yung mga kasalukuyang tumitimon na rin sa DOH dahil marami ring magagaling doon.” pahayag ni Hontiveros

Umaasa din ang Senadora na gagawa ng paraan ang DOH upang maiwasan ang pagkalat ng kaso ng monkeypox .

Gayunpaman, tiwala si Hontiveros na ang magiging susunod na kalihim na may malawak na kaalaman sa public health lalo’t nananatili ang kaso ng Covid-19 na nadagdagan pa ng monkeypox.

“Sana kapag naupo na sila makapagpasya na rin sa strategic direction ang Department of Health nasa pandemic pa nga tayo, ito na nga may bagong public health emergency of international concern na monkeypox at siyempre kasi mahalagang makapagtalaga na si Presidente at makapagtalaga ng magaling dahil sa bagong itatalagang secretary nakaasa rin ang kumpiyansa ng publiko sa buong Department of health,” pahayag niya.

Dapat din aniyang prayoridad ng magiging health chief ang universal health care law gayundin ang mga mahahalagang programa ng DOH.

Nauna na ring iminungkahi ng iba pang Senador na kinakailangan ng agad na magtalaga ng bagong Health Secretary makaraang mapaulat ang unang kaso ng monkeypox sa bansa. (ai/mtvn)

Leave a Reply