Budget sa PAO lawyers taasan

Budget sa PAO lawyers taasan

Ni Liza Soriano

MANILA — Tiniyak ni Senator Raffy Tulfo kay Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta ang pagtaas ng budget para sa mga pampublikong abogado.

“Gagawin natin ang ating makakaya para madagdagan ang budget ng PAO. Kahit ano man ang matutulong ng tanggapan ko, gagawin natin,” ani Tulfo.

“Napapansin ko ngayon sa PAO ay walang tumatagal. Kukuha lang ng experience, tapos lumilipat na. Kasi overwhelmed sa trabaho. Dapat for every court, mayroong enough PAO,” dagdag pa ng senador.

Sinuportahan ni Acosta ang sinabi ni Tulfo, na sinasabi na ang mga abogado ng PAO ay “overworked.”

“Overworked sila. After five years, nagfi-fiscal na sila or nagja-judge. Lumilipat kasi napapagod,” sabi ni Acosta.

Sa kabila ng kakulangan ng mga abogado, umaasa si Tulfo na mabibigyan ng serbisyo ang mga mahihirap na mangangailangan ng tulong.

“Although alam kong kulang, pero as much as possible, sana ay mayroong enough assistance ang indigent parties pagdating sa inquest level. Kasi kung minsan yung fiscal, nagde-decide din basta-basta na kulang sa ebidensya,” ani Tulfo.(ai/mtvn)

Leave a Reply