FAKE NEWS: HISTORICALLY ACCURATE ANG FICTIONAL FILM NA “MAID IN MALACAÑANG”

FAKE NEWS: HISTORICALLY ACCURATE ANG FICTIONAL FILM NA “MAID IN MALACAÑANG”

May historical basis ang pagma-mahjong ni Cory sa “Maid in Malacañang”

Maharlika TV’s claims: False.

Kinumpirma mismo ni Anne Nelson, ang author ng artikulo umanong batayan ng pagma-mahjong ni Cory at ng Carmelite Sisters, na mali si “Maid in Malacañang” Director Darryl Yap. Hindi umano naintindihan ng direktor ang tunay na nangyari noong 1986.

Ang katotohanan:

Nilabas ng VinCentiments’ official YouTube channel ang ikalawang trailer ng “Maid in Malacañang”’ noong August 2 at makikitang kasama ni Cory Aquinong naglalaro ng mahjong ang tatlong madre.

Mula sa Maid in Malacañang Official Trailer

Ayon sa historical records, dumating si Cory Aquino sa Cebu para sa civil disobedience campaign noon Pebrero 22 kasama si Salvador Laurel. Kinagabihan ng araw na iyon, natanggap ni Cory ang balita tungkol sa Ramos-Enrile breakaway at ayon kay Mother Sister Aimee Ataviado, noon din ay dumating si Cory sa monasteryo.

Ibig sabihin, ang movie scene na nasa monasteryo si Cory noong Pebrero 25 ay historically false.

Pinatunayan ito sa memoir ni US President Ronald Reagan na nilimbag ng New York Times: wala na si Cory sa Cebu Carmelites noong Pebrero 25.

Ani Raegan, “Marcos would leave Malacañang on Feb. 25 for Clark Air Base on a helicopter. This was the same day that Marcos staged a rival inauguration in Malacañang to coincide with the scheduled swearing in of Aquino in Quezon City.”

Wala ring batayan sa kasaysayan ang tagpo sa “Maid in Malacañang” nang ipakitang kasama ni Cory ang mga madre noong nakipag-usap siya kay US Diplomat Stephen Bosworth tungkol sa Marcos exile dahil naanunumpa siya noon sa lungsod ng Maynila.

Mula sa VinCentiments Facebook Page

Kinumpirma pa ni Anne Nelson, author ng ‘The Grotto of the Pink Sisters’ na wala siyang nabanggit na naglalaro ng mahjong sina Cory at ang mga madre noong kasagsagan ng rebolusyon.

“There is nothing in it (the article) that says that the nuns played mah-jongg, with Cory Aquino or anyone else.”

Mula sa Twitter ni Veteran American Journalist Anne Nelson

Email response ni Anne Nelson kay Elmer Leyson Baldesanso; screenshot mula sa Facebook

Isang indibiduwal na nagngangalang Elmer Leyson Baldesanso ang nagtanong at humingi ng reaksiyon ni Nelson tungkol sa post ng Maid in Malacañang director. Ani Nelson, mali si Yap.

Kasunod nito ay hindi rin nagustuhan ng Carmelite Nuns ang portrayal sa kanila sa pelikula dahil alam nilang mapanganib ang pagbibigay ng proteksyon sa mga Aquino noong 1986 kaya ginugol nila ang oras sa pagdadasal.

Opisyal na pahayag ng Carmelite Monastry Cebu

Hindi man tahasang sinabing sila ang mga madre sa pelikula, hindi pa rin maikakailang Carmelite Sisters ang pinapatungkulan ni “VinCentiments” Director dahil sa sila lamang ang pinakatanyag na grupo ng mga madre na malapit sa mga Aquino noong 1986.

Ipinakita pa sa pelikula na mismong si Cory ang nagpalayas sa mga Marcos. Hindi rin ito totoo. Ayon kay Justice Cecila Munoz Palma, kasama niya si Cory sa noong gabing tumawag si US Ambassador Stephen Bosworth at ayon sa kaniya, si Cory pa mismo ang may gustong magbigay ng dalawang araw na palugit bago palayasin ang Pamilya Marcos sa Pilipinas. Hindi lang siya pinayagan ng kaniyang mga tagapayo.

Screenshot mula sa librong People Power an Eye Witness history.

Ano ba talaga ang isyu sa Mahjong?

Kailangan nating linawin na walang masama sa paglalaro ng mahjong dahil hindi naman ito awtomatikong gambling game. Tulad din ito ng mga larong baraha at sungka na pawang entertainment lamang. Ang isyu rito ay kung historically accurate nga ba ang ‘“Maid in Malacañang.” Simple lamang ang sagot: Hindi. Pero, sinusubukan ba ng pelikulang baguhin ang kasaysayan? Hindi rin. Malinaw na fiction o mula sa imahinasyon at artistic interpretations ang “Maid in Malacañang”. Hindi ito documentary. Lalong hindi ito biography. Kinumpirma naman nila ito. Bakit ba tuloy-tuloy pa rin ang isyu tungkol sa pambabaluktot sa kasaysayan?

Showing pa rin ang fictional drama film na “Maid in Malacañang” sa mga sinehan. Showing din ang history-based musical film na “Katips”. Puwede pang panoorin ng mga gustong manood.

Leave a Reply