MALAKING TRAHEDYA SA DAAN: 7 PATAY, 6 SUGATAN SA SUMABOG NA GULONG

MALAKING TRAHEDYA SA DAAN: 7 PATAY, 6 SUGATAN SA SUMABOG NA GULONG

NI Arwen Pascua

MANILA — Dead on the spot ang pito katao habang anim na iba pa ang sugatan sa karambola ng talong sasakyan na kinabibilangan ng commuter van, Giga wing van truck at Ford Raptor pickup sa Purok 4 National Highway, Brgy. Batomelong, General Santos City.

Ayon kay Police Major Rise Hernaes ng Gensan Police Public Information Office, naganap ang sakuna alas-3:15 ng hapon, Agosto 4.

Ang mga sangkot na sasakyang ay isang Hi-Ace van na nagsisilbing commuter van, Giga wing truck at isang Ford Raptor pickup na parang mga nilamukot na papel makaraang magbanggan.

Ang pitong nasawi at anim na sugatan ay sakay ng commuter van habang hindi naman idinetalye kung ano ang sinapit ng driver o sakay ng Giga wing truck.

Nag-ugat ang sakuna nang sumabog ang kaliwang gulong ng commuter van dahilan para mawalan ito ng control at banggain ang kasalubong na dalawang sasakyan. (ai/mtvn)

Leave a Reply