Mga palaboy sa kalye kailangan ng DSWD intervention — concerned citizen

Mga palaboy sa kalye kailangan ng DSWD intervention — concerned citizen

Ginawang kama ng mga palaboy na ito ang plastic barrier at kwarto naman ang ilalim ng flyover East Service Road sa Alabang Muntinlupa City at mahimbing sila sa kanilang pagkakatulog.

Sabi ng isang motorcycle rider na nagngangalang Allan, araw-araw na napapadaan siya ay nakikita niya raw ang mga ito tuwing umaga na palaboy-laboy at kung minsan ay may mga hawak na sinisinghot na hinala niya raw ay Rugby solvent.

Ginagawa naman daw ng mga Barangay Tanod ng Alabang at mga social worker ang kanilang tungkulin para tulungan silang iahon sa lansangan pero matapos ang programa, counseling, referral at reconciliation sa kani-kanilang pamilya ay paulit-ulit lamang na bumabalik ang mga ito sa lansangan.

Sabi ng isang concerned citizens na taga-Muntinlupa, mainam sana kung matulungan sila maiahon sa lansangan ng Department of Social Welfare and Development. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply