Misting, fogging ops sa Maynila patuloy laban sa dengue-carrying mosquitoes

Misting, fogging ops sa Maynila patuloy laban sa dengue-carrying mosquitoes

Upang masawata ang breeding the dengue-carrying mosquitoes ay patuloy ang pagsasagawa ng misting at fogging operation ng mga kawani ng Manila DRRMO sa iba’t-ibang lugar at sulok ng Maynila.

Patuloy diumano ang pagtaas ng kaso ng dengue na umabot na sa 82,597 ang kabuuang bilang na naitala sa bansa mula Enero 1 hanggang Hulyo 16, 2022.

Ayon kay Department of Health officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ay mas mataas ng 106 percent kumpara sa mga naiulat na kaso sa parehong panahon noong 2021. (Kiara Lauren Ibanez/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply