‘Wemboree’ inilunsad ng Muntinlupa sa paghubog ng Junior Rescue Group

‘Wemboree’ inilunsad ng Muntinlupa sa paghubog ng Junior Rescue Group

Sinasanay ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga kabataang ito na mga mag-aaral sa senior high sa ibat-ibang paaralan ng lungsod Muntinlupa ngayong araw (August 4, 2022) kung pano humawak ng fire hose para apulahin ang apoy.

Itinakda na dalawang (2) araw ang paghubog sa kanila o ‘Wemboree’ ng Youth Affairs and Sports Development Office (YASDO) at sa pakikipagtulungan ng Division Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), Sangay ng mga Paaralang Lungsod, Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), Office of the Building Official at Tanggapan ng Pangkalusugan.

Ang layon umano ng programa ay upang ituro ang pagiging handa at resilient sa anomang disaster ng mga kabataan ng lungsod kung sakaling magbadya ang anomang trahedyang dumating.

Layon din ng programa na mapabilang ang mga kabataang ito na maging bahagi ng “Junior Rescue Group” ng lungsod.

Suportado naman ni Mayor Ruffy Biazon ang programa para hubugin ang mga kabataan dahil naniniwala ang alkalde sa kakayanan na magagawa ng mga kabataan pagdating ng anumang sakuna o trahedya. (Peter Lacang/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply