10 makabagong mobile ATM ng Land Bank pinasinayaan sa Maynila

10 makabagong mobile ATM ng Land Bank pinasinayaan sa Maynila

Pinasinayaan nina Manila Mayor Honey Lacuna, Vice Mayor Yul Servo, Land Bank of the Philippines CEO Cecilla Borromeo ang paglunsad ng 10 makabagong Mobile ATM ng Land Bank para ipadala sa iba’t-ibang lugar na napipinsala ng sakuna at kalamidad gaya ng bagyo at lindol na maaaring magamit sa cash transfer at para na rin mapalapit sa mga mamamayan na naninirahan sa malayo ang serbisyo nito.

Nag-alok din ng P10 billion na pautang sa local government unit ng Maynila ang Land Bank sa malalaking proyekto ng lungsod na isasagawa ng administrasyon ni Manila Mayor Honey Lacuna. (Kiara Lauren Ibanez/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply