2 Thais na biktima ng human trafficking nasagip ng Mabalacat police

2 Thais na biktima ng human trafficking nasagip ng Mabalacat police

MANILA — Nasagip ng mga awtoridad ng Pilipinas ang dalawang Thais na manggagawa ng isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Mabalacat, Pampanga.

Nitong Miyerkules (Agosto 3), inilunsad ng Luzon Field Unit ng Women and Children Protection Center (LFU-WCPC) ang operasyon matapos maberipika ang impormasyon na ang dalawang nasagip na indibidwal ay biktima ng Human Trafficking.

Ayon sa mga ulat, napilitang magtrabaho ang mga biktima sa mga operasyon ng POGO sa bansa.

“Ginagawa namin ang aming anti-criminality approach sa isang holistic na pananaw. Ang trafficking in persons ay isang matinding alalahanin na nangangailangan ng isang malakas na police-community partnership para makamit ang aming sukdulang layunin na labanan itong transnational organized crime,” sabi ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr.

Ang nasabing operasyon ay resulta ng pinagsama-samang pagsisikap ng PNP at ng Mabalacat City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

“Makikipag-ugnayan kami sa mga kaukulang ahensya at sa aming mga katapat sa Royal Thai Police Force para ipaalam sa kanila ang kalagayan ng mga biktima,” sabi ni PNP Chief Azurin.
(Val Leonardo/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply