DROGA PA MORE: Aktibong pulis Caloocan, kasama arestado sa drug buy-bust

DROGA PA MORE: Aktibong pulis Caloocan, kasama arestado sa drug buy-bust

Arestado ang isang aktibong pulis Caloocan at ang kasama nitong sibilyan sa tangan nilang 500 gramo na shabu na nagkakahalaga ng P3,400,000 sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency RO-NCR, at Northern Police District gabi ng Huwebes sa Puregold Zabarte corner Zabarte road at Camarin road Barangay 172, Caloocan City.

Kinilala ang suspek na si Cpl. Mark Jefferson Lopez y Ramos, 30 yrs old, nakatira sa 363 PNR Compound Samson Road, Caloocan City at John Raster Jaie Muñoz y Lopez. Sila’y nahaharap ngayon sa kasong paglabag ng Art. II of RA 9165.

(Val Leonardo/BC/ai/mtvn)

Leave a Reply